26 patay; 28 pa grabe sa vehicular accident
April 4, 2005 | 12:00am
Dalawamput anim katao kabilang ang labinsiyam na bakasyunista ang kumpirmadong nasawi habang 28 pa ang grabeng nasugatan sa dalawang magkakahiwalay na insidente ng banggaan ng mga pampasaherong bus at jeepney sa lalawigan ng Pangasinan at Quezon kamakalawa.
Sa report ng pulisya, naganap ang unang sakuna dakong alas-5:30 ng hapon makaraang magbanggaan ang isang Silver Star bus na biyaheng Bicol na may plakang DVX-905 at isang pampasaherong jeepney na galing sa bayan ng Gumaca na may plaka namang DGR-536 sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Balubad sa bayan ng Atimonan, Quezon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Myrna Parcamara, 49 anyos; Lamberto Epino, 65; Juanita Vallesteros, 25; Juanito Vallesteros, 55; John Carlo Pinera, 19; Corazon Gautani; pawang residente ng Atimonan at ang driver ng jeepney na si Bernardo Villa ng Gumaca, Quezon.
Labing-isang pasahero ang nasugatan, pito rito ay lulan ng jeepney at apat naman mula sa bus na pawang isinugod na sa Doña Martha District Hospital at Emil Juanito Hospital para malapatan ng lunas.
Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na nag-overtake ang driver ng bus na siyang nagbunsod sa malagim na sakuna. Pinaghahanap naman ang driver matapos itong tumakas.
Sa isa pang insidente, dakong alas-7:30 naman ng gabi nitong Sabado nang magsalpukan ang Victory Liner bus at isang pampasaherong jeepney sa coastal highway ng San Fabian, Pangasinan na ikinasawi ng 19 bakasyunista habang 17 pa ang nasugatan.
Sa kasalukuyan, 14 pa lamang sa mga namatay ang nakilala ng mga awtoridad na sina Cipriana Campule, Marlyn Tikeyat, Sharon Balukaneg, Sallie Umanag, Marione Tikeyat, Mingke Ottiange, Venus Bangulag, Venus Canayon, Christine Piyon, Josefa Calay, Colnasin Guiwid, Linda Ottiange, Jasmine Campule at Balensogo Canayon. Ang mga nasugatan ay mabilis namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Ayon sa imbestigasyon, masyadong matulin ang takbo ng bus at dahilan sa pag-overtake sa kasunod na sasakyan ay aksidente namang nasalpok ang dalawang jeepney na kinalululanan ng mga bakasyunistang pawang mga residente ng Baguio City na kagagaling lamang sa isang resort sa Pangasinan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest