120 residente nasapol ng diyariya
April 2, 2005 | 12:00am
LEGAZPI CITY Aabot sa 120-katao mula sa sampung barangay sa Rapu-Rapu, Albay ang tinamaan ng sakit na diyariya matapos na makainom ng kontaminadong tubig noong nakaraang Semana Santa. Ayon kay Dr. Julian Salazar ng provincial health office, kabilang sa matinding tinamaan ng diyariya ay ang mga Barangay Poblacion, Binanuahan, Tinopan, Malobago at San Ramon. Nagpakalat na ang provincial health office ng kaukulang gamot upang mapigilan ang lumalalang sakit partikular na ang paglalagay ng chlorine sa mga kinukunan ng inuming tubig ng mga residente. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest