Paslit napatay sa gulpi
April 2, 2005 | 12:00am
MARIVELES, Bataan Pinaniniwalaang aksidenteng napatay sa gulpi ang isang paslit na babae ng kanyang amain makaraang hindi mapatahan sa kakaiyak ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Camaya, Mariveles, Bataan noong Martes, Marso 29, 2005.
Sa naantalang ulat na ipinadala ni P/Senior Insp. Teodoro dela Rosa, hepe ng Mariveles PNP station kay provincial police director P/Senior Supt Hernando Safra, ang biktima ay nakilalang si Leslie Ferrer y Capiral, isang taon at 8-buwang-gulang at naninirahan sa Sitio Acapulco, Zone 6 ng Barangay Camaya, Mariveles.
Samantala, ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ay nakilalang si Edwin Prasmo Melendes, kalive-in partner ng ina ng biktima at dating kawal ng Philippine Army na may ranggong Master Sargeant ng Camp Aguinaldo at nakatira sa San Lazaro Tala Caloocan City.
Dakong alas-7:30 ng umaga nang iwanan ng ina ang biktima kay Melendes para mag-apply ng trabaho sa Bataan Economic Zone.
Hindi naman mapatahan sa kakaiyak ang bata kung kayat ito ay binugbog at pinalo ng suspek hanggang sa mawalan ng malay-tao kaya agad namang isinugod sa Mariveles Health Center.
Sa pagsusuri ni Dr. Danilo Velasco, positibong binugbog ang bata kaya nagka-internal hemorrage na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest