^

Probinsiya

FX vs bus: 6 katao patay

-
CAMP CRAME –Anim na miyembro ng pamilya Gasatan ng Laoag City ang iniulat na nasawi habang labindalawa pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang Toyota Tamaraw FX at minibus sa kahabaan ng national road na sakop ng Barangay Bantay Abot sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga nasawing biktima na may apelyidong Gasatan na sina SPO2 Rufino Gasatan; Maria; Anabelle; Andres Jude Constantino; Allen at Vi-ann.

Samantala, sina Joel Ramil at Maureen Gasatan ay nanatiling nasa kritikal na kondisyon sa pinagdalhang ospital.

Napag-alaman, na si SPO2 Rufino Gasatan, 46, ay nakatalaga sa PNP Security Protection Office sa Camp Crame, habang si Maria at Annabel ay kapwa balikbayan.

Ang pamilya Gasatan ay patungong Laoag City nang maganap ang malagim na sakuna noong Huwebes ng hapon bandang alas- 4.

Base sa impormasyon nakalap ni P/Senior inspector Orly Pagaduan, hepe ng Narvacan PNP, matulin ang pagpapatakbo ng Tamaraw FX nang masalpok ng West Angel minibus na minamaneho ni Marlon Asierto.

Pinaniniwalaan naman ng mga imbestigador ng pulisya na nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng Tamaraw kaya aksidenteng sumalpok sa kasalubong na bus. (Ulat nina Joy Cantos at Andy Zapata Jr.)

vuukle comment

ANDRES JUDE CONSTANTINO

ANDY ZAPATA JR.

BARANGAY BANTAY ABOT

CAMP CRAME

GASATAN

ILOCOS SUR

JOEL RAMIL

JOY CANTOS

LAOAG CITY

RUFINO GASATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with