2-problemado nag-suicide

BALANGA CITY, Bataan — Dalawang mister na pinaniniwalaang may matinding personal na problema ang magkasunod na nag-suicide sa magkahiwalay na barangay na sakop ng Bataan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jan Inocelda, security guard ng St. Morris Agency at residente ng St. Ann Sitio Toto, Barangay Cupang Proper, Balanga City at Joven Santos, 21, ng Purok-1, Barangay Payumo, Dinalupihan, Bataan.

Ayon kay SPO4 Sonny David, si Inocelda na hindi na nagpakita sa kanyang mga kasamahang sekyu matapos mag-duty ay nagbaril sa ulo habang si Santos naman ay nagbigti matapos na maaktuhan umanong nakikipagtalik sa ibang babae. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments