PNP vs NPA: 4 natodas

BULACAN – Tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) at isang tauhan ng pulisya ang napatay sa naganap na madugong sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Dalapidap sa bayan ng San Jose, Bulacan kahapon ng umaga. Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan ng tatlo habang nakilala naman ang pulis na napatay na si SPO2 Mario Llarinas.

Sa ulat na nakarating sa opisina ni P/Chief Supt. Rowland Albano, regional director, tumagal ng kalahating oras ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde. Narekober ang tatlong baril at ilang subersibong dokumento. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments