Mga armas ng Sayyaf, MNLF renegade naharang
March 30, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sari-saring kagamitang pandigma ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Navy at Philippine Marines matapos maharang ang isang power boat nang salakayin ang pinagkukutaan ng bandidong Abu Sayyaf at Misuari Breakaway Group (MBG) sa Siloro Island, Lantawan, Basilan, nitong Lunes.
Ayon kay Phil. Navy Captain Geronimo Malabanan, alas-5:30 ng umaga ginapang ng mga sundalo ang kuta ng ASG hanggang sa marating nila ang hinihinalang pinaglulunggaan ng mga bandidong terorista.
Bagaman nakatakas ang kanilang pakay ay naiwan sa pag-atras ng grupo ang isang kulay abuhing power boat na may dalawang 250 horse power out board motors na may tuling mahigit sa sampung knots.
Napag-alaman na pag-aari ng isang Engineer Jainal Antel Sali alyas Apong Solaiman, lider ng ASG na kumikilos sa Basilan.
Ang nasabing fast craft ang ginagamit umano ng mga bandido upang maghatid ng kanilang puwersa sa pananalakay o pagtakas sa mga tumutugis na militar at supplier ng baril at bala. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest