Killer ng lady columnist, dakpin PNP Chief
March 28, 2005 | 12:00am
Ipinag-utos na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Arturo Lomibao ang agarang pagdakip sa gunman ng lady columnist na pinatay sa Tacurong City kamakailan.
Sinabi ni PNP Spokesman P/Sr. Supt. Leopoldo Bataoil na si Lomibao ay personal na nagtungo sa Tacurong City upang tingnan ang progreso ng imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa biktimang si Marlene Esperat.
Si Esperat, columnist ng Midland Review, isang lingguhang community newspaper ay pinaslang ng di pa nakilalang gunman dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng tahanan nito sa Ilang-Ilang St., Tacurong City noong Huwebes Santo.
Ayon kay Bataoil, inatasan ni Lomibao si Police Regional Office (PRO) 12 Director P/Chief Supt. Antonio Billones at ang pinuno ng binuong Task Group Esperat na si P/Sr.Supt. Rodolfo Mendoza na gawin lahat ang kanilang magagawa upang mahuli sa lalong madaling panahon ang killer ng biktima at ng mabigyang hustisya ang pagkamatay nito.
Nabatid na nagpalabas na ng cartographic sketch ang Tacurong City Police sa gunman base sa paglalarawan ng ilang testigo na kapitbahay ng biktima.
Kaugnay nito, nangako naman si Lomibao sa biyudo ng biktima na si George Esperat na bibigyang solusyon ang kaso dahilan isa sa mga prayoridad ng PNP ang mabigyan ng hustisya ang mga kaso ng mga pinaslang na mediamen sa bansa. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 4 hours ago
By Cristina Timbang | 4 hours ago
By Tony Sandoval | 4 hours ago
Recommended