2 preso patay sa jailbreak,1 nakapuga
March 27, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Sa pagnanais na makapiling ang kani-kanilang mga pamilya ngayong Semana Santa, patay ang dalawang bilanggo habang nakatakas naman ang isa pa, makaraang pumuga mula sa kanilang kulungan kamakalawa sa Davao City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Anton Gumayon at Pitong Balagisi, habang matagumpay namang nakatakas si Mateo Landeog na pawang nakapiit sa Police Precinct 12, Davao City Police Office detention cell, Marilog, Davao City.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-12:50 ng madaling-araw sa nabanggit na kulungan.
Nabatid na matinding pangungulila umano sa kanilang mga mahal sa buhay ang nag-udyok sa tatlong bilanggo na tumakas.
Ayon pa sa ulat, namataan umano nina SPO1 Gerardo Tumulak, PO3 Benjie Horlador at PO1 Jaime Fulgino ang tatlong suspek na papatakas sa likurang bahagi ng kulungan.
Agad namang nagbigay ng warning shot ang tatlong pulis subalit sa halip na tumigil, tumakbo pa umano palayo ang mga suspek dahilan upang barilin na lamang ang mga ito nang hindi na makalayo.
Dinala na ang bangkay ng dalawang suspek sa Angelic funeral parlor habang patuloy ang ginagawang manhunt operation laban sa isang nakatakas na bilanggo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest