Suspek sa murder nadakma

OLONGAPO CITY — Nalambat ng mga tauhan ng 3rd Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang notoryus drug pusher at itinuturing na most wanted criminal sa Subic, Zambales sa isinagawang pagsalakay sa pinagkukutaan nito sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales, kamakalawa. Sa isinumiteng ulat ni P/Insp. Elpidio Ventura kay 3rd-CIDG Provincial Officer Maj. Eliseo Saquilayan, kinilala ang suspek na si Ronie "Noyna" Meriol, 24, ng Sitio Tahimik, Brgy. Calapacuan. Ang pagkakadakip kay Meriol sa pangunguna ni SPO1 Ferdinand Mendoza ay bunsod ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Avelino Lazo ng Olongapo Regional Trial Court Branch 75. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments