Nag-amok na preso nagbigti
March 22, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang naburyong ang isang 35-anyos na presong lalaki makaraang mag-amok na ikinasawi ng dalawang kabaro nito bago nagbigti ang una sa kanyang selda sa Camarines Sur Provincial Jail na sakop ng Barangay Tinangis, San Jose, Pili kamakalawa.
Ang presong nagbigti sa rehas na bakal ay nakilalang si Pablito Respito ng Barangay Salugan ng nabanggit na bayan. Samantala, nakilala naman ang mga nasugatang preso na sina: Severino Jomala at Romulo Duena.
Sa ulat, bandang alas-10 ng umaga nang mag-amok si Respito at pagsasaksakin ang dalawang kasamahang preso.
Matapos ang insidente ay inihiwalay si Respito sa ibang preso upang hindi na makapanakit pa, subalit bandang alas-12:30 ng hatinggabi ay natagpuan ng mga gwardiya ang bangkay ni Respito sa kanyang kinakukulungang selda. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya kung may foul play na naganap sa pagpapakamatay ni Respito. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest