^

Probinsiya

Trader nakatakas sa kidnaper; misis nasagip

-
Camp Vicente Lim, Laguna –Isang 44 anyos na negosyanteng lalaki ang nakatakas sa mga kidnaper samantalang nasagip naman ng mga awtoridad ang misis nito sa isinagawang rescue operation sa Brgy. Maahas, Los Baños, Laguna kamakalawa.

Sa ulat ni Chief Inspector Potenciano Escobel, hepe ng Los Baños Police Station ang mag-asawang kidnap victim ay nakilalang sina Jude Semaña, 44 at asawa nitong si Evelyn, 37, pawang residente ng Sinagtala, Lipa City.

Kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawa sa mga suspek na nakilalang sina Jack Mitra at Grace del Mundo na mabilis na tumakas.

Narekober rin ng mga awtoridad ang kinarnap na sasakyan na isang kulay itim na Isuzu Crosswind na may plakang VCL-225 matapos inabandona ng mga suspek malapit sa Half-way Disco Pub na matatagpuan sa Brgy. Pansol ng lungsod ng Calamba.

Sa imbestigasyon, nabatid na ang mag-asawang Semaña ay kinidnap sa kanilang bahay ng mga suspek at sapilitang isinakay sa kanilang kotse dakong alas-7 ng gabi subali’t pagsapit sa Brgy. Batong Malaki , Los Baños, Laguna ay nagawang makatakas ni Jude .

Makalipas ang ilang oras, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad buhat sa isang informer na may namataan silang babae na dinala sa bodega hanggang sa madiskubre na ito ang ginang na si Evelyn. (Ulat ni Ed Amoroso )

vuukle comment

BATONG MALAKI

BRGY

CAMP VICENTE LIM

CHIEF INSPECTOR POTENCIANO ESCOBEL

DISCO PUB

ED AMOROSO

EVELYN

ISUZU CROSSWIND

LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with