Anak tinodas ng ama
March 18, 2005 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang matinding galit ang umiral kaya napatay sa hambalos ng silya ang isang 36-anyos na mister ng sariling ama sa Purok 3, Barangay Cararayan, Tiwi, Albay kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo at hindi na umabot ng buhay sa St. Claire Hospital ang biktimang si Joey Competente, samantalang sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Jesus Competente.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nagkita ang mag-ama sa nasabing lugar dakong alas-10 ng umaga at sa hindi nabatid na dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.
Nagkasigawan ang mag-ama hanggang sa madampot ng suspek ang silya sa sulok ng kanilang bakuran at inihataw sa ulo ng biktima.
Nangisay ang biktima nang bumagsak sa lupa at dahil sa pagkaawa sa anak ay isinugod ng suspek sa naturang ospital, ngunit hindi na umabot ng buhay.
Agad na tinungo ng suspek ang himpilan ng pulisya para sumuko. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest