Lolong informer dinukot ng NPA rebels

Camp Aguinaldo – Isang 50 anyos na lolo na itinuturong asset ng militar ang kinidnap ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos sunugin ang ilang mga kabahayan sa Tarangnan, Samar, ayon sa ulat kahapon. Ang biktima ay nakilalang si Sixto Montabon Sr., residente ng Brgy. Palencia sa nabanggit na munisipalidad. Base sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng alas - 2 at alas -3 ng madaling araw. Bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong rebelde na agad sinunog ang tahanan nina Concepcion Ventillo at Fernando Conzon kung saan di pa nakuntento ay tinangay ang matanda sa kanilang pagtakas. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso habang naglunsad na rin ng search and rescue operations upang ligtas na mabawi ang bihag. (Joy Cantos)

Show comments