Pulis todas sa holdaper
March 14, 2005 | 12:00am
Antipolo City Patay ang isang pulis makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang armadong lalaki na nangholdap sa isang pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Marcos highway, Brgy. Mayamot ng lungsod na ito.
Ang biktima na agarang namatay sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo mula sa cal. 22 kalibre ng magnum ay nakilalang si PO2 Eduardo Correa, 35-anyos, nakatalaga sa Las Piñas Mobile Patrol Unit at residente ng Sitio Igiban, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.
Ayon kay SPO1 Rodel Semacio, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng Marcos highway, Brgy. Mayamot ng naturang siyudad.
Nabatid na pauwi na sa kanilang tahanan ang biktima galing sa duty sakay ng isang pampasaherong jeepney na may plakang NXW -918 kasama ang ilang pasahero ng maglabas ng baril ang mga suspek at magdeklara ng holdap.
Habang nililimas ng mga suspek ang pera at mahahalagang gamit ng mga pasahero ay napansin ng isa sa mga ito ang nakabukol na baril sa beywang ng biktima kaya mabilis itong pinaputukan ng dalawang beses sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.
Matapos ang panghoholdap ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek. Nagsasagawa na ng malawakang manhunt operation ang pulisya ng Antipolo laban sa naturang grupo ng mga holdaper. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am