3 salesmen huli sa pekeng sigarilyo
March 13, 2005 | 12:00am
Balanga, Bataan Tatlong salesman ang dinakip ng mga operatiba habang nagde-deliver ng mga pekeng sigarilyo sa mga stall sa loob ng Greater Balanga City Public Market noong Biyernes.
Kinilala ni Supt. Arnold Gunnacao, Bataan Police Deputy Director for Operation ang mga suspek na sina Anthony Arandela, 35; Jessie Lameta, 19; at Wilson Bonabra, 18; pawang mga residente ng Brgy. Dolores, San Fernando City, Pampanga.
Ayon sa pulisya, humingi ng tulong sa kanila si Jerry Chang, supervisor ng Fortune Tobacco Corporation matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang mga kliyente na nakakabili sila ng mga pekeng sigarilyo mula sa kanilang mga bagong salesman.
Nakuha sa mga suspek ang 50 ream ng Winston cigarette na nakalulan sa isang aluminum van na may plakang TTR-945.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines. (Ulat ni Raffy Viray)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest