Adik sa 'Pinas pabata ng pabata
March 9, 2005 | 12:00am
DAGUPAN CITY Pinangangambahang mga adik sa pinatuyong dahon ng marijuana ang mag-aaral sa elementarya sa central Pangasinan makaraang madiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakabase sa nasabing lalawigan na kalat na ang ipinagbabawal na halaman.
Ayon kay P/Chief Inspector Christopher Abrahano, provincial director ng PDEA, nagsimulang maadik sa pinatuyong dahon ng marijuana ang ilang grade 5 at 6 sa bayan ng central Pangasinan.
"Gumagamit na ng marijuana ang ilang mag-aaral at pagkatapos ay posibleng gumamit ng shabu (metamphetamine hydrochloride)", dagdag pa ani Abrahano. Sa ulat, ilang drug pusher ang nadakma na ng mga tauhan ng PDEA na ang puntirya ay magpakalat ng pinatuyong dahon ng marijuana sa elementarya ng nasabing bayan. Nakalagay sa maliit na sisidlan ang marijuana na naipagbibili sa halagang P50 hanggang P200 at ang modus operandi ng sindikato ay alukin nang libreng patikim ng bawal na dahon ang biktima hanggang sa tuluyang malulong.
Kalimitang nalululong sa marijuana ay mga nagtapos sa elementarya na na-recruit sa fraternity bago pa mag-high school.
"Sa kasalukuyan ay masyadong tumaas ang presyo ng shabu, kaya lahat ng adik ay pinaniniwalaang kumukuha ng marijuana," pahayag ni Abrahano.
Nabatid na ang pinagmumulan ng marijuana na ipinakakalat sa Pangasinan ay mula sa tri boundries ng Benguet, La Union at Ilocos Sur.
Nanawagan naman si Abrahano sa mga guro ng eskuwelahan ng central Pangasinan na isama sa curriculum ang drug awareness at lalong pag-ibayuhin ang seguridad na walang makapapasok na estranghero sa loob ng compound ng eskuwelahan. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest