Trike vs van: 2 todas
March 8, 2005 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Agad na kinarit ni kamatayan ang isang 21-anyos na traysikel drayber at pasahero makaraang salpukin ang sinasakyang traysikel ng mga biktima ng kasalubong na van sa kahabaan ng Marcos Highway na sakop ng Barangay Mayamot ng lungsod na ito kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina: Jade Pavia; at Edwin Salapare, 44, kapwa naninirahan sa Barangay Cupang ng nasabing lungsod.
Nadakip naman ng pulisya ang drayber ng van na may plakang TAC-951 na si Janusal Jarella, 40, ng Sitio Peñafrancia ng nabanggit din barangay. Ayon kay PO2 Danilo Buenaflor, naitala ang sakuna dakong alas-4 ng madaling-araw matapos na mawalan ng giya ang van at sumalpok sa kasalubong na traysikel. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest