4 tinedyer nalunod sa ilog
March 8, 2005 | 12:00am
LEMERY, Batangas Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang outing ng apat na magkakabarkada matapos malunod ang mga ito sa ilog na sakop ng Sinisisaan West, Lemery, Batangas kamakalawa.
Kinilala ni Chief Inspector Crod Maranan, hepe ng PNP sa bayang ito, ang mga biktima na sina Leon Magnaye, 13; Jeffrey Magnaye, 17; Jay-R Buno, 13; at John Mark Bendaña,14, na pawang residente ng Barangay Arumahan sa bayang ito.
Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-tres ng hapon nang magkayayaan ang magkakaibigan na maligo sa ilog ng Sinisian na matatagpuan sa Sinisisaan, West, ngunit hindi na nakabalik ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay.
Sinubukang hanapin ng mga magulang ng mga bata nang kumagat na ang dilim, pero hindi nila natagpuan ang mga ito.
Laking gulat na lang ng mga residente ng makita nila kinabukasan ang mga namamaga nang katawan ng mga biktima na palutang-lutang sa gilid ng ilog. (Ulat nina Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 9 hours ago
By Cristina Timbang | 9 hours ago
By Tony Sandoval | 9 hours ago
Recommended