Fetus itinapon sa likod ng paaralan

Daet, Camarines Norte – Isang fetus na lalaki na umaabot sa limang buwang gulang ang natagpuan ng ilang mga kabataang estudyante sa likod ng Daet Elementary School sa Brgy. 7 kamakalawa ng umaga. Bandang alas-11:30 ng umaga nang mapansin ng isang guro ang ilang kabataang estudyante habang walang kamuwang-muwang na hinihila at pinaglalaruan ang nasabing fetus na nakalagay sa isang plastic bag.

Mabilis namang ipinaalam ng mga guro ang insidente sa pulisya na kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon upang mabatid kung sinong walang pusong ina ang nagtapon sa nasabing fetus. (Francis Elevado)

Show comments