Binawian ng buhay habang ginagamot sa Manila East Doctors Hospital ang biktimang si Shiela Buenafe ng Block 19, Lot 14 Simona Subd., Taytay, Rizal.
Sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-7 ng gabi sa harap ng Valley Golf Subdivision sa nabanggit na barangay.
Lulan ang biktima ng Tamaraw FX taxi na minamaneho ni Antonio Santos, kasama pa ang ibang pasahero nang magdeklara ng holdap ang apat na kalalakihang nagpanggap na mga pasahero rin.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, nilimas ng mga holdaper ang gamit ng mga pasahero kabilang ang mga cell phone.
Napag-alaman na nagsisigaw ang biktima kaya nataranta ang isa sa mga holdaper kaya nagawang barilin sa dibdib ang dalaga bago tuluyang tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Nagsasagawa na ng malawakang pagtugis ang mga kagawad ng pulisya laban sa apat na holdaper. (Ulat ni Edwin Balasa)