Kinilala ang napatay na sina: Army Corporal Divino Umbac at Private 1st Class Michael Aderamos, pawang mga miyembro ng 16th Infantry Battalion na nakabase sa Cabacao, Abra de Ilog, Occ. Mindoro.
Samantala, sugatan naman sina: Sergeant Wilson Almeres, Corporal Ignacio Angga at Noli Escarcha, PFC Santiago Dimalangca at isang kilala lang na PFC Timajo.
Ayon sa ulat, bandang ala-1:30 ng hapon habang binabagtas ng tropa ang kahabaan ng Brgy. San Luis lulan ng Elf-type truck nang tambangan ng mga rebeldeng miyembrong Lucio de Guzman command.
Samantala, dalawa namang kampo ng militar ang halos sabay na sinugod ng mga rebelde sa magkahiwalay na insidente sa Batangas at Lucena City kahapon.
Ayon sa pulis report, hinagisan ng granada ng dalawang miyembro ng NPA lulan ng motorsiklo ang gate 1 ng Camp Nakar sa Lucena bandang alas-11:40 ng gabi habang sinugod naman ang kampo ng 740th Combat Group ng Philippine Air Force sa Barrio Kahil, Calaca, Batangas.
Wala namang naiulat na nasawi sa magkabilang panig matapos ang 15-minutong putukan bago nagsitakas ang mga rebelde.
Ayon kay Gregorio "Ka Roger" Rosal, grupo ng Edgardo Dangle command ang sumugod sa Batangas, samantalang grupo naman ng Ulpiano Araneta Jr. command ang naghagis ng granada sa Camp Nakar, Lucena.
Ani Rosal, ang mga opensibang nangyari laban sa mga military ay ganti nila sa pagkakapatay ng tatlo nilang miyembro sa Calatagan, Batangas, kamakailan. (Dagdag ulat nina Tony Sandoval, Joy Cantos, Celine Tutor at Angie dela Cruz)