Base sa desisyon na ipinalabas ng CA 9th Division, nakasaad dito na marapat lamang na makulong ng walong taon ang akusadong si Roque Pascual, ministro ng Philippine Independent Church sa Nueva Ecija.
Nabatid na unang pinatawan ng naturang kaparusahan si Pascual ng Manila Regional Trial Court Branch 20 matapos na mapatunayang guilty sa kasong bigamya na isinampa laban dito ng kanyang ikatlong asawang si Emily dela Cruz.
Ayon sa salaysay ni dela Cruz nagsasama na sila ni Pascual nang mapatunayan nito na bukod sa kanya ay may dalawa pang babae na unang pinakasalan ang kaniyang Mister sanhi upang maging illegitimate ang kaniyang mga anak dito.
Sa rekord ng korte nabatid na pinakasalan na ni Roque ang isang Thelma Velasco noong Abril 27, 1978 kung saan nagkaroon ito ng dalawang anak at pangalawa naman si Virginia Tolentino noong 1979 na diniborsyo ng naturang pastor. (Danilo Garcia)