Shootout: 4 karnaper todas
February 9, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng kilabot na carnapping sydicate ang napaslang ng mga kagawad ng pulisya sa naganap na shootout sa kahabaan ng North Luzon Expressway na sakop ng Brgy. Isidro, San Simon, Pampanga kahapon ng umaga.
Isa sa apat na suspek na napatay ay nakilalang si Larry Garcia, ng Meycauayan Bulacan, ayon kay C/Supt. Elueterio Gutierrez, hepe ng TMG.
Sa ulat na ipinarating kahapon ni PNP regional director Chief Supt. Rowland Albano kay PNP chief Director General Edgar Aglipay, naganap ang barilan bandang alas-10 ng umaga sa nabanggit na lugar.
Sa ulat, namataan ng mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group (TMG) ang 1996 Mitsubishi Sedan na ninakaw sa bahaging sakop ng San Fernando City, Pampanga na papalabas ng tollgate ng North Luzon Expressway.
Pinahihinto ng mga kagawad ng pulisya ang naturang nakaw na kotse na lulan ang apat na karnaper, subalit nagmatigas na sumuko hanggang sa makipagbarilan sa mga tumutugis na awtoridad.
Base sa ulat, bago maganap ang shootout ay may nakatanggap na impormasyon ang PNP-TMG na may kinarnap na kotse sa bahagi ng San Fernando.
Agad na nagsagawa ng pagpapatrulya ang mga awtoridad hanggang sa mamataan ang nasabing sasakyan na papalabas ng tollgate ng North Luzon Expressway.
Narekober sa mga suspek ang dalawang carbine, M-16 rifle at dalawang maikling baril. (Ulat nina Joy Cantos at Resty Salvador)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest