Stude todas sa bundol ng bus

CABANATUAN CITY — Biglang naglaho ang pangarap ng pamilya ng isang 16-anyos na graduating student sa high school makaraang aksidenteng mabundol ng mini-bus habang ang biktima ay tumatawid sa lansangang sakop ng Barangay Samon ng lungsod na nabanggit kamakalawa. Idineklarang patay sa Premiere General Hospital ang biktimang si John Raymond Ferrereza ng Barangay Cuyapa, Gabaldon, Nueva Ecija. Agad namang sumuko ang drayber ng mini-bus (CCX-530) na si Jaime Maniego, 27, ng Barangay Luna, Zaragosa, Nueva Ecija. Ayon sa ulat, posibleng hindi nakalkula ng biktima ang mabilis na pagdating ng mini bus habang ito ay tumatawid. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments