^

Probinsiya

2 patay sa rebulto ng sirena; 1 pa grabe

-
Daet, Camarines Norte – Dalawang kalalakihan ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos na aksidenteng sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa rebulto ng isang sirena sa isang beach resort sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga biktimang sina Rafael Rada, 29, binata at Rodel Abuyo, 26, may-asawa; pawang residente ng Purok 2, Brgy. Pagsangahan mula sa kanugnog na bayan ng Basud habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang sugatang si Andy Quintos, 20, ng nasabi ring barangay.

Batay sa imbestigasyon, nabatid na ang mga biktima ay lulan ng isang motorsiklong TMX Honda 125 na may plakang EM 5267 nang biglang bumangga sa diumano’y misteryosong rebulto ng isang sirena habang tinatahak ang kurbadang kalsada patungo sa Bagasbas Beach Resort dakong alas-3:30 ng madaling- araw.

Sa bilis ng takbo ng motorsiklo ay di napansin ng mga biktima ang rebulto ng sirena kaya tuluy-tuloy na sumalpok ang mga ito at dahilan walang helmet ay nabagok ang ulo ng dalawang sakay na siyang ikinasawi ng mga biktima.

Batay sa salaysay ng mga residente sa lugar, marami ng motorista ang nagbubuwis ng buhay sa nasabing rebulto ng sirena bunga ng kawalan ng aksyon ng mga lokal na opisyal dito na lagyan ng warning sign at ilaw ang rebulto ng sirena para hindi na maulit pa ang insidente. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ANDY QUINTOS

BAGASBAS BEACH RESORT

BASUD

BATAY

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

ED CASULLA

RAFAEL RADA

RODEL ABUYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with