Water district executive nilikida
January 2, 2005 | 12:00am
CALAMBA CITY, Laguna Isang general manager ng water district office ang natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan sa isang subdivision sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna kamakailan, ayon sa ulat ng pulisya.
Nakilala ang biktima na si Martin Tangcangco, 48, may-asawa, general manager ng Calamba Water District at nakatira sa Brgy. Paciano, Rizal, Calamba City, Laguna.
Natagpuan ang labi ni Tangcangco sa loob ng kanyang sasakyang Toyota Revo (WJK-326).
Namataan ang naturang sasakyan na nakaparada sa kahabaan ng isang kalye sa loob ng newly-developed subdivision sa Loc ng Purok VII, Barangay Pansol, Calamba City.
Nakarekober ang mga imbestigador ng dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 sa harap ng kanyang kotse.
Base sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga ng Disyembre 31, 2004, namataan ng isang Victoria Cruz, 44, caretaker ng naturang subdivision ang biktima na nakahandusay at patay na sa harap ng upuan ng naturang kotse.
May teorya ang mga imbestigador na ang killer ay kasama ng biktima.
Samantala, wala pang saksing lumilitaw at maituturing na blangko ang naturang pulisya sa nasabing natagpuang bangkay. (Ulat ni Ed Emoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Tony Sandoval | 14 hours ago
Recommended