^

Probinsiya

Kapatid ni Pugak nanaksak ng asawa

-
San Mateo, Rizal – Isang 54 anyos na ginang ang patuloy na ginagamot sa pagamutan matapos pagsasaksakin ito ng kanyang mister na umano ay kapatid ng namayapang komedyanteng si "Pugak" sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Mario Lico, hepe ng San Mateo Police ang biktimang si Sofia Amancec, 54 anyos, nagtamo ng dalawang tama ng saksak ng icepick sa kili-kili habang agad namang naaresto ang asawa nito na kinilalang si Ernesto Amansec, 62-anyos , isang ex-convict at miyembro ng Commando Gang; pawang residente ng Diaz Compound, Ampid II ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong ala-1:20 ng hapon sa loob ng tahanan ng mag-asawa

Naglambing umano ang suspek sa biktima na niyaya nitong magtalik subali’t ng tumanggi itong pasiping ay nagalit si mister at pinagsasaksak ang sarili niyang misis.

Napag-alaman pa na anim na buwan pa lamang nakakalaya ang suspek at ngayo’y posibleng muling bumalik sa kulungan dahilan sa pananaksak sa kanyang asawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AMPID

COMMANDO GANG

DIAZ COMPOUND

EDWIN BALASA

ERNESTO AMANSEC

ISANG

MARIO LICO

SAN MATEO

SAN MATEO POLICE

SOFIA AMANCEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with