^

Probinsiya

Asset ng militar nilikida ng NPA rebels

-
Camp Aguinaldo — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang asset ng military matapos itong pagbabarilin at pagsasaksakin ng apat na armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa San Jacinto, Masbate kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Rodel Bartolay, 29 anyos, residente ng Brgy. Anibong ng nasabing munisipalidad. Ang biktima ay tadtad ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong dagliang ikinasawi.

Sa report, dakong alas-11 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga rebelde sa bisinidad ng Hacienda Espinosa sa Brgy. Jagnaan, San Jacinto, Masbate at dito’y pinagbabaril ang biktima.

Bago tuluyang nagsitakas ay pinagsasaksak pa ng mga rebelde ang biktima upang makasiguro ang kamatayan ng kanilang target.

Pinaniniwalaang ang pamamaslang sa biktima ay may kinalaman sa pagiging asset nito ng militar kung saan nagresulta ito sa pagkapilay ng kilusan ng mga rebelde sa nasabing lalawigan. (Joy Cantos)

ANIBONG

BRGY

CAMP AGUINALDO

HACIENDA ESPINOSA

JAGNAAN

JOY CANTOS

MASBATE

NEW PEOPLE

RODEL BARTOLAY

SAN JACINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with