^

Probinsiya

Ex-mayor dedo sa ambus

- Edwin Balasa, Angie dela Cruz -
PILILLA, Rizal – Tinambangan at napatay ang dating alkade ng isang bayan sa Laguna ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagpapagasolina sa Barangay Hulo sa bayang ito kahapon ng umaga.

Agad na napuruhan ng bala sa katawan ang biktimang si Felix Carpio, 70, dating alkalde ng Mabitac, Laguna noong 1970 hanggang 2001 at pansamantalang residente ng Barangay San Isidro, Tanay, Rizal.

Wala namang ulat na nasugatan ang 12-anyos na anak ng biktima na kasama nito nang ambusin habang sakay ng kulay berdeng Lavander Isuzu na may plakang WTA-635.

Base sa ulat ni Senior Supt. Leocadio Santiago Jr., Rizal provincial director, naitala ang insidente bandang alas-6:30 ng umaga sa gasolinahan na sakop ng Manila East Road ng nabanggit na barangay.

Nalaman ng pulisya na may tinambangan sa nasabing barangay matapos na ipagbigay-alam ng isang hindi kilalang motorista bandang alas-7:20 ng umaga may isang oras na ang nakalipas. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na sakay ng nasabing sasakyan ang biktima na magpapagasolina nang lapitan ng naka-motorsiklong dalawang hindi kilalang lalaki.

Wala namang lumutang na nakasaksi sa insidente sa takot na madamay habang narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 20 bala ng 9mm na baril.

Pansamantalang blangko ang pulisya sa naganap na pamamaslang.

BARANGAY HULO

BARANGAY SAN ISIDRO

FELIX CARPIO

LAVANDER ISUZU

LEOCADIO SANTIAGO JR.

LUMILITAW

MANILA EAST ROAD

RIZAL

SENIOR SUPT

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with