Ambush: Mag-ina, bayaw patay
November 7, 2004 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Tinambangan at napatay ang isang 36-anyos na misis, anak at bayaw nito ng dalawang hindi kilalang kalalakihan habang ang mga biktima ay papauwi sakay ng motorsiklo sa Barangay San Pedro Cataingan, Masbate kamakalawa ng hapon.
Walang buhay na iniwan ang mga biktimang sina: Joylyn Briones, 26; Erlindo Baylon, 36, bayaw ng babae at anak na si Justine Briones, 11-buwang gulang na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat ng pulisya, naitala ang pananambang dakong alas-4:45 ng hapon habang ang mga biktima ay lulan ng motorsiklo mula sa Barangay Poblacion sa bayan ng Cataingan, Masbate.
Hindi naman agad nabatid ng pulisya kung ano ang tunay na motibo ng krimen na ngayon ay masusing sinisiyasat.
Samantala, tatlong miyembro ng isang pamilya ang kumpirmadong nasawi habang anim naman ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Sitio Kapatagan, Barangay Gupitan, Kapolong, Davao del Norte kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasawi na sina: Datu Dao Mambuto, Letty Mambuto at Rosalina Sumpo, habang sugatan naman sina: Nonoyla Samag, Aniga Tiwag, Dikay Mabuto, Kulas Sumpo, Gingging Mambuto at Irene Sumpo.
Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na nakilalang sina: Botiring Mansaloon, Sindoy Mansalon, Fernando Antonio at Vicente Orihi na pawang kasapi ng Alamara Group na kilalang extortionist sa naturang bayan. May teorya ang pulisya na patuloy na tumatanggi ang mga biktima na magbigay ng extortion money sa nasabing grupo kaya isinagawa ang krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest