^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin: 2 patay, 2 sugatan

-
NUEVA ECIJA – Dalawa ang patay at dalawa naman ang sugatan makaraang mahulog ang sinasakyan ng mga biktima sa malalim na banging sakop ng Sitio Sapang Bato, Barangay Labi, Bongabon, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Romeo Velasco kay P/Sr. Supt. Alex Paul Monteagudo, provincial director, nakilala ang mga nasawing biktima na sina: Florentino Yñigo y del Rosario at Choy Osete, kapwa residente ng Brgy. Maligaya, Dilasag, Aurora.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina: Frederick at Maria Yñigo, kapatid at ina ng nasawing si Florentino.

Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-5:20 ng umaga, sakay ang apat ng Isuzu Elf truck (XJP 132) mula sa Aurora at may lulang mga bakal at plastic na dadalhin sa town proper ng bayang ito nang maganap ang insidente. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ALEX PAUL MONTEAGUDO

BARANGAY LABI

CHOY OSETE

CHRISTIAN RYAN STA

FLORENTINO Y

ISUZU ELF

MARIA Y

NUEVA ECIJA

ROMEO VELASCO

SITIO SAPANG BATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with