^

Probinsiya

Tauhan ni Mayor Vi itinumba

-
CAMP CRAME — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang tauhan ni Mayor Vilma Santos ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nag-aabang ng masasakyan sa harapan ng Lipa City Hall, Batangas.

Nakaganti pa ng putok ng baril bago mamatay ang biktimang si Jaime Lique, security officer sa Lipa City Hall at residente ng Barangay San Francisco ng nabanggit na lungsod.

Sugatan naman ang dalawang pasahero na sina Ruel Tan at Nerissa Robles matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril habang nakasakay sa pampasaherong dyip.

Ayon sa pulisya, naitala ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa harap ng naturang lugar.

Agad namang nagsitakas ang mga killer sa hindi nabatid na direksiyon at posibleng may matinding galit sa biktima ang pumaslang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

BARANGAY SAN FRANCISCO

BATANGAS

CRUZ

JAIME LIQUE

LIPA CITY HALL

MAYOR VILMA SANTOS

NERISSA ROBLES

RUEL TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with