^

Probinsiya

8 karnaper nasakote

-
Walong sibilyan na pinaniwalaang kasapi ng sindikato ng carnapping na may operasyon sa Region 4 ang nasakote ng mga kagawad ng pulisya sa magkahiwalay na bahagi ng Cavite at Batangas kamakalawa.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Jun Abril Saulog, 27, ng Barangay Malagasang I-C, Imus, Cavite; Jonathan Petisme, 27, ng Barangay Alapan 1-A, Imus, Cavite; Michael Allan Atienza, 29, ng Barangay Ligas 2, Bacoor, Cavite; at Jennyfer Espiritu, 18, ng Purok 5, Barangay Boracay, Kawit, Cavite na pawang nasakote sa Barangay Kaypaaba sa Bayan ng General Aguinaldo, Cavite.

Samantalang nasakote naman sa Sto. Tomas, Batangas, ang mga suspek na sina: Leonardo Malabanan, 37, ng Barangay Gonzales, Tanauan, Batangas; Marissa Perea, 23, ng Barangay Mabato, Calamba City, Laguna; William Marqueses, 31, ng Barangay San Jose, Tanauan City, Batangas; at Erwin Amora, 38, ng San Pablo City, Laguna.

Base sa ulat ng pulisya, ang naunang apat na karnaper ay namataan sa bahay ni Noel Taza na nagpipintura ng karnap na Mitsubishi Lancer na may plakang DMN-396.

Kasunod nito, namataan naman ng mga tauhan ng Regional Mobile Group at Regional Traffic Management Group ang apat pang karnaper sa Sta. Rosa, Laguna hanggang sa magkahabulan patungo sa Sto. Tomas, Batangas.

Agad naman nasakote ng mga awtoridad ang apat, subalit ang lider na si Lorenzo Tolentino ay kasalukuyang tinutugis. (Ulat nina Lolit Yamsuan at Ed Amoroso)

BARANGAY

BARANGAY ALAPAN

BARANGAY BORACAY

BARANGAY GONZALES

BARANGAY KAYPAABA

BARANGAY LIGAS

BARANGAY MABATO

BARANGAY MALAGASANG I-C

BATANGAS

CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with