Misis dinedo, mister nag-suicide
October 24, 2004 | 12:00am
SAN PEDRO, Laguna Pinaniniwalaang matinding selos ang umiral kaya binaril at napatay ang isang 26-anyos na misis ng kanyang negosyanteng Tsinoy na mister bago nag-suicide ang lalaki sa naganap na malagim na trahedya sa Calendola Village, San Pedro, Laguna kamakalawa ng gabi.
Si William Chan, 45, ay nagtamo ng tama ng bala sa sintido, samantalang ang asawang si Catherine ay sa noo at kapwa nakabulagta sa loob ng kanilang kuwarto nang matagpuan dakong alas-9:30 ng gabi, ayon sa pulisya.
Naniniwala naman ang mga kamag-anakan ni Catherine na umiral ang matinding selos ni William sa biktima kaya nagawang paslangin.
Sa ulat, si Catherine na hindi pinayagang mag-Japan ni William sa hindi nabatid na dahilan ay nagsasanay ng personality development sa promotion firm sa Pasay City para paghandaang tumulak sa Japan bilang singer. "Mas mabuti pa ngang mag-abroad siya kasi magkakapera na siya, makakaiwas pa sa matinding selos ng kanyang asawa," sambit ng inang si Juliet.
Ayon naman sa pinsang si Alfred, ilang minuto bago maganap ang trahedya, inutusan siya ni Catherine na dalhin ang rubber shoes, white t-shirt at short pants ng babae sa bahay ng ina upang doon matulog.
Subalit si William mismo ang nagdala ng mga gamit ni Catherine sa bahay ng kanyang ina sa Rizal Street, may tatlong kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.
Hindi naman dinatnan ni William ang asawa sa bahay ng ina kaya napilitang bumalik sa kanilang bahay at dito sila nagkita. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang kuwarto at binalewala naman ni Alfred dahil sa paniwalang pangkaraniwang away-mag-asawa.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay umalingawngaw ang tatlong putok ng baril mula sa kuwarto ng mag-asawa kaya nagmamadaling tinungo ng mga pinsan ni Catherine upang usisain. Nagawa pang isugod sa Family Care Hospital sa Pacita Complex ang mag-asawa subalit idineklarang patay. (Ulat ni Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest