2 pekeng NBI tiklo sa kotong

BULACAN — Dalawang kalalakihan na pawang nagpanggap na mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya sa inilatag na entrapment operation sa Barangay Pagala, Baliuag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kabilang sa naaktuhan nangingikil na suspek ay nakilalang sina: Christopher Villacorta, 25, ng Barangay San Juan, San Ildefonso at Renato Lim, 22, ng Barangay Bagong Nayon.

Ayon sa ulat, ang dalawa ay inireklamo ng pangongotong ng P200 kada linggo ni Carol Caparas, may-ari ng DL Bar and grill at Misteryosa Grill sa naturang lugar. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments