5 kasapi ng 'Bombay Gang' nadakip

SAN PEDRO, Laguna — Limang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng "Bombay Gang" at sangkot sa serye ng nakawan sa Cavite at Laguna ang dinakip ng pulisya makaraang salakayin ang pinagkukutaan nito sa General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Christopher Suan, 18, alyas Bombay, lider ng gang; Rodrigo Garcia, 16; Jerry Marabales, 18; at Rodelio Bartido, 38.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay nadakip ilang oras matapos na barilin at masugatan ang isang barangay tanod sa Barangay Magsaysay, San Pedro, Laguna. Ang nasabing grupo ay responsable sa serye ng carnapping, cellular phone snatching, holdapan at frustrated homicide sa General Mariano Alvarez, Cavite at bayan ng San Pedro, Biñan, at Sta. Rosa, Laguna.

Aabot naman sa 22 sibilyan ang positibong kinilala ang mga suspek na bumibiktima sa kanila ilang araw pa lamang ang nakalipas. (Ulat ni Rene Alviar)

Show comments