4 NPA rebels nasakote

CABANATUAN CITY — Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasakote ng mga awtoridad sa magkahiwalay na barangay na sakop ng Nueva Ecija at Pangasinan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kinilala ang mga suspek na rebeldeng sina: Orlando Llanes, alyas Ka Richard/Celso; Reynaldo Ruiz, alyas Ka Region; Domingo Gelacio Jr., alyas Ka Jungle; at Danny Bumartay Jr., alyas Ka Danny.

Ayon sa ulat, sina Llanes at Ruiz ay nalambat sa checkpoint na sakop ng Barangay San Gregorio at Calaocan, Rizal, Nueva Ecija, samantalang ang dalawa pa ay nasakote sa bayan ng Natividad, Pangasinan kamakalawa. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments