Trader pinatay sa simbahan

CAMP AGUINALDO — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng Tsinoy ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nasa loob ng simbahan na sakop ng Pagadian City kamakalawa ng umaga. Tatlong tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Alexander Louie Chan, matapos na upakan ng nag-iisang lalaki dakong alas-9 ng umaga habang nakaluhod sa loob ng nasabing lugar.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa revolutionary tax na hinihinggi ng mga rebelde at ang ikalawang anggulo ay posibleng personal na nakaalitan ng biktima sa negosyo. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments