Pinag-aaralan na ng bagong liderato ng SBMA sa ilalim nina Francisco Licuanan III at Freddie Antonio, kapwa presidential appointees ng Pangulong Arroyo kasama ang kanilang mga economy experts ang nalalapit na pagsasara ng pintuan sa Subic Freeport Zone bilang sa mga sasakyang inangkat mula pa sa ibang bansa, ayon sa impormasyon nakalap ng PSN.
Alinsunod sa direktiba ng Malacañang sa dalawang bagong itinalagang opisyal hinggil sa tuluyang pagpapahinto sa smuggling ng mga luxury vehicles at used right-hand-drive (RHD) sa freeport na siyang naging sanhi ng pagkalugi ng gobyerno ng milyun-milyong halaga dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Nabatid pa na ang magiging point of entry na lamang sa mga ipinapasok na sasakyan at ibat ibang produkto na inaangkat mula sa ibang bansa ay ang pantalan ng Cebu at Batangas.
Malaking epekto para sa mga negosyante ng importasyon ang planong pagsasara sa freeport at libu-libong manggagawa ang mawawalan ng trabaho kung sakaling ituloy ang plano. (Ulat ni Jeff Tombado)