^

Probinsiya

Ambush: Barangay chairman todas

-
TAGAYTAY CITY, Cavite – Tinambangan at napatay ang isang 40-anyos na barangay chairman ng mga hindi kilalang armadong kalalakihang naka-motorsiklo habang ang biktima ay nagmamaneho ng patrol dyip na ikinasugat naman ng malubha ng tatlong iba pa kamakalawa ng gabi sa Barangay Iruhin Sentral, Tagaytay City, Cavite.

Duguang bumulagta sa manibela ng patrol dyip ang biktimang si Barangay Chairman Domingo Villasis ng Barangay 5, Amadeo, Cavite.

Si Villasis ay nagmamaneho ng barangay patrol dyip patungo sa bayan ng Amadeo mula sa Tagaytay Highland Hotel nang dikitan at pagbabarilin ng naka-motorsiklong dalawang hindi kilalang armadong lalaki dakong alas-6 ng gabi. Kasalukuyan naman ginagamot sa Ospital ng Tagaytay dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang katawan sina: Evelyn Halayahay, 25; Marife Rodil, 24, kapwa empleyada ng nasabing hotel; at Nenita Malana, 38, barangay chairwoman ng Tartarya sa bayan ng Silang. Lumilitaw sa imbestigasyon, kahit na sugatan si Vilasis ay nakuha pa nitong patakbuhin ang barangay patrol dyip upang takasan ang naka-motorsiklong killer, subalit sumalpok sa sementadong pader.

Ipinag-utos naman ni P/Supt. Bebot Quimio, Tagaytay police chief sa kanyang mga tauhan na madaliin ang pagdakip sa mga killer na pansamantalang hindi ibinunyag ang kinaroroonan. (Ulat nina Cristina G. Timbang, Lolit Yamsuan at Rene M. Alviar)

AMADEO

BARANGAY

BARANGAY CHAIRMAN DOMINGO VILLASIS

BARANGAY IRUHIN SENTRAL

BEBOT QUIMIO

CAVITE

CRISTINA G

EVELYN HALAYAHAY

LOLIT YAMSUAN

MARIFE RODIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with