^

Probinsiya

Janjalani namataan sa Sulu

-
Camp Aguinaldo — Namataan ng tropa ng militar ang lider ng mga ekstremistang Abu Sayyaf Group (ASG) na si Khadaffy Janjalani sa lalawigan ng Sulu.

Ito ang nabatid kahapon kay Armed Forces of the Philippines-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero.

"May nakakita sa kanya sa Sulu archipelago," ani Lucero pero aminado itong sadyang madulas si Janjalani na nagpapalipat-lipat ng lugar upang makaiwas sa ‘dragnet operations’ ng military na tuluy-tuloy na tumutugis dito. Si Janjalani ay may patong sa ulong P10 milyon at karagdagang $1-milyon na inilaan naman ng Estados Unidos sa wanted na Abu Sayyaf leader.

Sa panig naman ni Joint Task Force Comet Commander Brig. Gen. Agustin Demaala, sinabi nito na positibo ang kanilang impormasyon na nasa Pilipinas pa si Janjalani at nagpapaikut-ikot lamang ng pagtatago sa pagitan ng mga isla ng Tawi-Tawi at Sulu.

Ayon pa sa opisyal walang indikasyong nakalusot na sa kanilang kordon ang nasabing Abu Sayyaf leader kasama ang kanyang mga armadong tauhan bagama’t sinasabing may balak talaga ang grupo nito na tumakas patungong Malaysia. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AGUSTIN DEMAALA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-PUBLIC INFORMATION OFFICE

CAMP AGUINALDO

CHIEF LT

DANIEL LUCERO

ESTADOS UNIDOS

JANJALANI

JOINT TASK FORCE COMET COMMANDER BRIG

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with