Puganteng may patong sa ulo na P.3-M, tiklo
September 15, 2004 | 12:00am
LA TRINIDAD, Benguet Nagwakas ang walong taong pagtatago sa batas ang isang puganteng may patong sa ulo na P.3-milyon makaraang salakayin ng mga kagawad ng pulisya ang pinagkukutaan ng una sa Barangay Bugallon sa bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa. Ang suspek na pinaghahanap ng mga awtoridad simula noong Enero 1996 dahil sa pagkakapatay kay Adolfo Pascua ay nakilalang si Leonardo Ay-yokad ng Sadanga, Mt. Province. Base sa record ng pulisya, ang suspek kasama si Fausto Capuyan ay ginulpi at sinaksak si Pascua sa loob ng bilyaran sa Hilltop, Baguio City. Nasakote si Capuyan, subalit si Ay-yokad at isa pang kasama ay nakatakas matapos ang krimen. Hindi naman nawalan ng loob na tugisin ang suspek hanggang sa masakote ng mga tauhan ni P/Supt. Julius Lagiwid, hepe ng Regional Intelligence Office 14 na nakabase sa Camp Bado Dangwa.
Samantala, noong Agosto 31, 2004 ay nadakip naman ng mga kagawad ng pulisya sa Abra ang isa sa mga most wanted persons na si Prudencio Britanico Jr. na may patong sa ulo na P250,000/
Kasunod nito nasakote naman si Albert Quiao sa kasong homicide. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest