P.9-M natangay sa banko

RIZAL — Umaabot sa P.9 milyon ang natangay ng grupong Bolt Cutter Gang makaraang pasukin ang Real Thrift Bank sa panulukan ng Felix Avenue at Ortigas Extention na sakop ng Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat, winasak ang bahagi ng bubungan ng naturang banko sa pamamagitan ng bareta-de-kabra. Nilagyan ng makapal na kumot ang harapang bahagi ng pintuang salamin ng gusali upang hindi mapuna ang kislap ng acetylene na ginamit para mabuksan ang vault na kinalalagyan ng malaking halaga. Nadiskubre lamang ang krimen matapos na pumasok ang manager na si Lourdes Villamin. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments