^

Probinsiya

34 pekeng pulis nalansag

-
CAMP AGUINALDO – Nalansag ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang notoryus na sindikato ng mga pekeng kagawad ng pulisya kasabay nang pagkakaaresto sa 34-katao kabilang ang lider ng grupo sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City kamakalawa.

Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ng Philippine Marines, kinilala ang nasakoteng lider ng grupo na si Satar Ungged habang ang kanang kamay naman nito ay si Nur Kashim, wanted sa kasong murder.

Nabatid na bandang alas-10 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng Zamboanga City Police, Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 na binaback-up- ng mga armored operatives mula sa Task Force Zamboanga ang hideout ng mga suspek sa Brgy. Arena Blanco, Zamboanga City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na ang mga suspek ay kasapi ng H-World Organization na pinamumunuan ni Kashim na nagpapanggap na kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang M16 rifles, 3 garand rifles, 3 caliber .45 pistol, dalawang hand grenades, dalawang rifle grenades, sari-saring mga bala at isang matalim na itak.

Nakuha rin mula sa pag-iingat ng mga ito ang 34 piraso ng kuwestiyonable at pinekeng dokumento ng PNP-CIDG. (Ulat ni Joy Cantos)

ARENA BLANCO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

H-WORLD ORGANIZATION

JOY CANTOS

MARINE BATTALION LANDING TEAM

NUR KASHIM

PHILIPPINE MARINES

SATAR UNGGED

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with