^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

-
CAVITE — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 52-anyos na barangay chairman ng naka-biruang kapitbahay makaraang mapikon sa masamang biro ang huli sa Barangay Molino 1, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Randy Inocentes matapos na upakan ng suspek na si Francisco Catapia na ngayon ay tinutugis ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:40 ng gabi nang makasalubong ng biktima ang suspek.

Biniro ng biktima ang naglalakad na kapitbahay, subalit minasama nito.

Matapos na magkasalubong ng dalawa ay agad na bumunot ng baril ang suspek at kasabay nito ay sunud-sunod na putok ang umalingawngaw hanggang sa duguang bumulagta ang biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

APAT

BACOOR

BARANGAY MOLINO

BINIRO

CAVITE

CRISTINA G

FRANCISCO CATAPIA

MATAPOS

PINAGBABARIL

RANDY INOCENTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with