^

Probinsiya

Killer ng pari timbog

-
CAMP AGUINALDO – Bumagsak sa tropa ng militar ang isang notoryus na kasapi ng mga bandidong Abu Sayyaf na itinuturong sangkot sa pagdukot at pagpatay sa paring Katolikong si Fr. Rhoel Gallardo sa kainitan ng hostage crisis sa Basilan noong 2000 sa isinagawang operasyon sa Isabela City ng lalawigang ito kahapon.

Kinilala ni AFP-Southcom Chief Major Gen. Generoso Senga ang nahuling suspek na si Adzhar Ismael, alyas Abu Junaid.

Ang suspek ay positibong itinuro ng mga nakalayang biktima na siyang responsable sa pagdukot sa mahigit 70-katao kabilang si Fr. Gallardo, mga guro at estudyante sa Tumahubong, Isabela City, Basilan noong 2000.

Ang grupo ni Hapilon ang natukoy na sangkot sa brutal na pagpaslang kay Gallardo matapos na tumangging yakapin ang pananampalatayang Islam.

Ayon kay Senga ang pagkakadakip sa suspek ay matapos ang masusing surveillance operations na isinagawa ng mga intelligence operatives ng Army’s 103rd Brigade sa nasabing lungsod. (Joy Cantos)

ABU JUNAID

ABU SAYYAF

ADZHAR ISMAEL

BASILAN

GALLARDO

GENEROSO SENGA

ISABELA CITY

JOY CANTOS

RHOEL GALLARDO

SOUTHCOM CHIEF MAJOR GEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with