Kinilala ang mga biktimang sina: Mar John Alcantara at Maria Teresa Alcantara na may edad na isa at dalawang taong gulang.
Kasalukuyan namang hinahanap ang ina ng mag-utol at may-ari ng pagawaan ng paputok na si Zoraida Alcantara na residente ang Cityland Subdivision ng nabanggit na barangay. Naitala ang insidente dakong alas-10 ng umaga matapos na kumislap ang pinutol na mitsa ng isa sa paputok kaya kumalat agad ang apoy at nakulong ang mag-utol na menor-de-edad. (Ulat ni Efren Alcantara)