Bomba nilagare, 2 patay
September 10, 2004 | 12:00am
RIZAL Dalawang kalalakihan ang kumpirmadong nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang sinaunang bomba na kanilang nilagare sa likurang bahagi ng bahay na sakop ng Sitio Wawa, Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga biktimang sina: Ronald Cruz, 30 at Edgar Salcedo, 34; habang si Mario Surera naman ay ginagamot sanhi ng maraming tama ng shrapnel sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa ulat na isinumite kay Police Senior Superintendent Leocadio Santiago, provincial police director, nagtungo ang dalawang biktimang nasawi sa bahay ni Surera upang manghiram ng lagare para sa napulot na sinaunang bomba.
Agad naman pinahiram ni Surera sa dalawa ang lagare at sinamahan pa nito sa likod-bahay upang tulungang lagariin ang bomba.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga kapitbahay ng biktima, na inakala ng tatlo na hindi na marahil sasabog ang bomba sa pag-aakalang masyadong sinauna at kinakalawang na ay pinagtulungan ng tatlo na umpisahan ang paglagare.
Bandang alas-8:30 ng umaga nang makarinig ng malakas na pagsabog ang mga kapitbahay.
Agad namang tinungo ng mga kapitbahay ang likurang bahagi ng bahay ni Surera at lumantad sa kanila ay ang duguang katawan ng tatlo.
Pinagtulungan namang isugod sa nasabing ospital ang tatlo, subalit idineklarang patay sina Cruz at Salceda. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended