^

Probinsiya

3 suspek sa judge slay nasakote

-
CAMP AGUINALDO – Nalambat ng mga operatiba ng pulisya ang tatlong kalalakihan na itinuturong sangkot sa pagpatay sa Tanauan City Judge Voltaire Rosales sa isinagawang operasyon sa Tanauan City kahapon.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame ni P/Sr. Supt. Francisco Montenegro, Batangas Police Chief, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Christopher Pamute, 26; Michael Rivera, 19 at Aldrin Galicia, 30 ng Brgy. Pantay Matanda.

Nabatid sa opisyal, na naispatan ng kanyang mga tauhan ang dalawang armadong lalaki habang lulan ng motorsiklo sa lungsod ng Tanauan at ilang minuto pa ay nakita ang mga ito na sumakay sa Toyota Corolla (PTU-191) kasama ang isa pang suspek.

Ang sasakyan ng mga suspek ay naharang sa checkpoint sa Brgy. Sala bandang ala-1 ng hapon, subali’t sa halip na huminto ay humagibis pa patakas ang nasabing sasakyan.

Dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek ay napilitan ang mga pulis na nagbabantay sa checkpoint na habulin ang mga suspek hanggang sa maabutan ang mga ito sa Brgy. Trapiche ng muntik nang tumaob ang kanilang sasakyan na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlo.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang armalite rifle at isang pistola.

Magugunita na si Rosales, 48 ay nasawi nang pagbabarilin habang pauwi na sa kanyang tahanan sa Makati City matapos ang isinagawa nitong paglilitis sa isang kasong kriminal sa Tanauan City Regional Trial Court Branch 83 noong Hunyo 10, 2004.

Nabatid pa na kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kanyang kotse ng tapatan ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa harapan ng Total Child School sa Brgy. Dos ng lungsod na ito. (Ulat nina Joy Cantos at Arnell Ozaeta)

ALDRIN GALICIA

ARNELL OZAETA

BATANGAS POLICE CHIEF

BRGY

CAMP CRAME

CHRISTOPHER PAMUTE

FRANCISCO MONTENEGRO

JOY CANTOS

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with